Don’t go to college.
That’s what I would tell you but not really since I would look like a bad influence.
MAHIRAP ANG COLLEGE LIFE. Naka-caps lock para sa intense emotion at emphasis.
Hindi sana ako nag-college kung ganito pala kahirap sa utak, katawan at puso (not love-related).
Hindi ko naman ata pipiliin mag-college kung alam kong may patutunguhan ako kahit walang college degree. Kasi imposible. Lalo na sa Pinas, kung walang college degree, ang baba na ng tingin ng mga tao. Pamantayan pa kung saang university o college grumaduate para tanggapin sa trabahong habol mo.
Hindi ko naman pipiliin ang Mangament kung may iba lang sana akong pupuntahan e. Wala akong hilig sa kahit anong related sa medisina; wala akong tiyaga mag-memorya para mag-Law; wala akong talent sa arts kaya kahit gusto ko, mas mahihirapan lang ako.
Lecheng Math kasi e. Calculus, to be specific. ANG SAKIT SA PUSO GRABE. Hindi ko alam kung mahirap lang dahil sa prof, mahirap yung sunject o mahirap yung utak ko.
Ang sakit talaga sa puso. At utak, actually. Pagkatapos ng long test ko kanina, promise talaga nahilo ako.
Habang nagsasagot ako, medyo confident pa ako e. Kaso nung natapos na, ewan ko na. Bagsak na ata ako sa Calculus…
HAYY AYOKO NA MAG-COLLEGE.
Pero syempre hindi pwede. Napakababaw ko naman kung ganun. Parang napaka-hina ko kung bibigay ako ng ganun-ganun lang. Hindi ko pa nga nakukumpleto yung isang taon.
Hindi lang siguro matanggap ng pride ko na may subject akong malapit ng ibagsak. Ang hirap kasi ng hindi matibay yung foundation ko noong gs at hs. Nasanay akong nadadalian lang sa mga discussion at lesson. Nasanay akong easy-easy lang sa pag-aaral. Kaya siguro sobrang nagulat ako ngayong college.
In the end, complaining will not get me anywhere.
Gusto ko lang ilabas ‘tong saloobin ko kahit dito lang sa blog na ‘to.
Alam ko namang isa sa isang milyon (kung umabot man) na makakakita ng post ko ang magbabasa ng buong litanya ko.
I need to get my fat lazy ass to work harder so I could get what I want; what I think I deserve.
Mahirap, oo, pero hindi ibig sabihing hindi ko kaya.